-- Advertisements --
Aminado si National Capital Region Police Office (NCRPO) chief BGEN. Vicente Danao Jr. na lumitaw sa kanilang pagsusuri ang maraming pagkukulang ng Makati City Police sa paghawak sa kaso ng pagkamatay ng PAL flight attendant na si Christine Dacera.
Matatandaang napalaya ang ilang suspek sa kaso, makaraang walang makitang sapat na ebidensya ang piskalya para ikulong ang mga kasamahan sa silid ng biktima, na kinabibilangan nina John Pascual Dela Serna, Rommel alido at John Paul Halili.
Sa panayam ng Bombo Radyo, inamin ni Danao na talagang may mga hindi nasunod na proseso.
Gayunman, magpapatuloy umano ang kanilang paglikom ng ebidensya at ibibigay ito sa prosecutors office at korte, para sa angkop na pagtukoy