Malalaman pa sa buwan ng Marso kung itutuloy ni Makati City Mayor Abby Binay na tumakbo bilang alkalde ng lungsod ng Taguig sa 2025 midterm elections.
Sinabi nito na wala pang sensyales at binibigyan niya ang sarili ng hanggang Marso para magdesisyon.
May ilang options pa ito pagkatapos ng kaniyang termino kung saan isa rito ay pagtakbo sa national position o maaring sa kongreso.
Aminado ito na mahirap pa sa ngayon ang magdesisyon dahil sa marami pa itong mga options.
Inaasahan na susunod sa kaniyang posisyon bilang alkalde ng Makati ay ang asawa nitong si Rep. Luis Campos Jr.
Magugunitang una ng sinabi ni Binay na tatakbo ito sa pagka-alkalde ng Taguig City matapos ang desisyon ng Korte Suprema na ibinigay ang 10 Embo barangay ng Makati sa lungsod ng Taguig.