-- Advertisements --

Isasagawa na ngayong araw sa lungsod ng Makati ang malawakang swab testing.

Sinabi ni Makati City Mayor Abby Binay, gaganapin ito sa Makati Coliseum dakong alas 2 ng hapon.

Nasa unang listahan ang mga market vendors, jeepney drivers, tricycle at mga pedicab drivers.

Ang mga datus na makukuha sa isasagawang pooled testing ay gagamitin bilang gabay sa paggawa ng polisya ng gobyerno sa kinakaharap na pandemiya.

Nauna ng sinabi ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion na isa ang Makati na napili sa piliot pool testing kung saan nasa 10,000 na residente ang susuriin.

Dito ay mapapabilis ang testing at ang pagtaas ng kapasidad.