-- Advertisements --
Nagtala ang lungsod ng Makati ng pagtaas ng business renewal assessement ngayong buwan.
Sinabi ni Makati City Mayor Abby binay na umabot na sila ng P6,303,347,208.45 ang kanilang total assessment nitong Enero 21 base na rin sa record ng kanilang Business Permit and Licensing Office (BPLO).
Ang nasabing halaga ay mas mataas ng 5.55 percent ng kabuuang assessment noong Enero 2023 na nagkakahalaga lamang ng halos P6-milyon.
Dagdag pa nito na nahigitan ng lungsod ang revenue target nito noong nakaraang taon ng 39 percent na umabot ng mahigit na P24 bilyon.










