-- Advertisements --
Nakatakdang maglunsad ang Makati City government ng sarili nitong COVID-19 home care system.
Ito ay para matugunan ang mga COVID-19 patients na kasalukuyang nagpapagaling o naka-isolate sa kanilang bahay.
Ayon kay Makati City Mayor Abby Binay, kinabibilangan ito ng telemedicine o remote medical consultation service na maaaring mabantayan ng city government ang lagay ng isang pasyente na dinapuan ng COVID-19 habang nagpapagaling sa kanilang bahay.
Maglalagay din sila ng mga vitamins, oximeter at ilang mga bagay na kakailanganin ng isang COVID-19 na pasyente.
Isa rin aniya itong paraan ng lungsod ng Makati para mabawasan ang bilang ng mga itinatakbong pasyente sa mga pagamutan.