-- Advertisements --

Kinontra ng lungsod ng Makati ang inilabas na findings ng ilang eksperto na mataas ang kaso ng hawaan ng coronavirus sa nasabing lungsod.

Sinabi ni Atty. Michael “Don” Camina ang tagapagsalita ng lungsod ng Makati, nagulat sila kung bakit nakasama sila sa OCTA Research Team na isa sila sa areas of concern.

Base kasi sa ulat ng Department of Health (DOH) na mababa ang kanilang attack rate.

Mayroon lamang kasi aniya sila na 6.21 na attack rate na base sa category ng DOH ay “Low Risk” ito.

Hihingi aniya sila ng kopya ng research ng OCTA sa nasabing usaping.

Umaabot na kasi sa 561 na aktibong kaso sa Makati at mayroong 6,793 ang gumaling na at 284 na ang nasawi.