-- Advertisements --

Umabot na sa US ang makapal na usok ng wildfire mula sa Canada.

Dahil dito ay ilang estado ng US ang nalabas ng air quality alerts.

Hinikayat ng mga opisyal ng Philadelphia ang mga residente na manatili sa kanilang kabahayan.

Kinansela naman ng New York at Washington DC ang mga outdoor activities ng mga pampublikong paaralan.

Aabot na sa mahigit tatlong milyong hektarya ng lupain sa Canada ang nasunog dahil sa wildfire na nagsimula pa noong Mayo.