-- Advertisements --

Hirit ng Makabayan block lawmaker na i-abolish na lamang ang pondo ng Office of the President at Office of the Vice President dahil sa pagtanggi na sumailalim sa public deliberations.

Naniniwala kasi ang mga mambabatas na ang pagtanggi ng Office of the President, maging ang Office of the VicePresident, na sumailalim sa deliberations ukol sa kanilang badyet laluna sa confidential and intelligence funds isa lamang sa mga dumaraming rason na imbis ang aprubahan ang kanilang tinatawag na “black budget” ay i-abolish na lamang ito.

Paglalahad ni ACT Teachers Partylist Rep. France Castro na patuloy ang paglobo ng mga “top secret funds” ng OP at OVP subalit kulang ang pondo para sa mga makabuluhang programa para sa mga mahihirap.

Punto ni Castro hindi dapat magpatuloy ang trend na ito, dahil labag ito sa policies of transparency and full public disclosure laluna sa mga bagay ukol sa pera ng bayan.

Binanatan ng Makabayan block lawmakers ang tradisyon na “courtesy” na ipinapatupad ng Committee on Appropriations sa budget deliberation partikular sa Office of the President at Office of the Vice President.

Ito ay kasunod ng pagmosyon ng ilang miyembro ng panel na tapusin ang budget deliberation ng Office of the President.

Sa budget briefing kaninang umaga, hindi tumagal ng 30 minuto ang deliberasyon sa Office of the President.

Binigyan naman ng pagkakataon si ACT Teachers Partylist Rep. France Castro na makapagpahayag ng kaniyang saloobin.

Sinabi ni Castro na dapat na buksan ang budget ng Office of the President sa pagtatanong ng mga Miyembro ng Komite dahil tungkulin sa ilalim ng Konstitusyon na ihapag ang lahat ng concerns ng taumbayan kung saan napupunta ang mga buwis nila.

” “Courtesy”? “Respect”? Hindi ba’t mas mataas ang utang na courtesy at respeto ng mga ahensya ng gubyerno sa mamamayan laluna ang Office of the President? Utang na magpaliwanag kung paano ginastos at kung paano gagastusin ang bawat sentimong pinagkakatiwala sa kanila,” pahayag ni Rep. Castro.

Sabi ni Castro, hindi dapat payagang manaig ang secrecy at silence habang napakalakas ang sigaw ng mga katanungan ng mamamayan.

Kinuwestiyon din ng mambabatas kung bakit may bilyun-bilyong sinisikretong pondo samantalang patung-patong ang mga kagyat na pangangailangan para sa ayuda, libreng edukasyon at serbisyong medikal, abot-kayang pabahay, at iba pa.

” Mapapababa ba ng ₱4.56 bilyong CIF na yan ang presyo ng bigas, iba pang pagkain sa palengke, kuryente, tubig, at basic commodities? Pang national security at public order nga ba talaga—e bakit dumadami pa nga ang human rights violations ng mga may baril at kapangyarihan gaya ng red tagging at iba pa,” pahayag ni Castro.