Kailangan na ng Piliipinas ng isang full-time DA secretary,
Ayon kay ACT Teachers Party-list Rep. France Castro , kailangan ng kagawaran isa isang kalihim na alam ang mga solusyon sa mga kinakaharap na problemang agrikultura ng bansa, kasama na ang mga kasalukuyang agrarian issues sa bansa.
Nakakalungkot ani Castro, na ang mga solusyong isinasagawa ng DA sa ilalim ni Pang Marcos bilang kalihim ay pawang mga band-aid solutions.
Karamihan aniya sa mga ipriniprisentang solusyon dito ay ang pag-angkat ng mga agricultural products, katulad ng bigas, asukal, sibuyas, at iba pa.
Ang kasalukuyang pro-importation policy aniya ng Marcos Administration ay lalo lamang nagpapahirap sa mga magsasaka na siyang napapabaon sa kanila sa kahirapan, habang lalo lamang yumayaman ang mga importers.
Ginawa ni Castro ang mga pahayag, kasabay nang unang anunsyo ni Pang Marcos na magtutuloy pa rin siya bilang temporary DA Secretary.
Ito ay sa likod ng pag-appoint ng pangulo ng mga bagong kalihim sa DND at DOH kamakailan.