-- Advertisements --

Nagpahayag ng pagka-alarma si House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Partylist Representative France Castro sa ginawang surprise visit ng ilang mga pulis sa bahay ng ilang mga mamamahayag kung saan tinatanong ang mga ito kung mayruon itong problema sa seguridad.

Ayon kay Castro, ang ginawa ng ilang pulis ay talagang nakakabahala dahil ganito din ang ginawa nila sa ilang mga guro na pinupuntahan sa mga bahay at isinailalim sa profiling.

Ipinunto ni Castro, na duon sa Masbate dapag dumalo ang mga guro sa pulong ng Allicance of Concerned Teachers ay agad binibisita sila ng mga sundalo at madami ang tinatanong.

Sinabi ng mambabatas na nakakalungkot na hanggang sa ngayon ay ginagawa pa rin ito ng PNP at militar.

Pagbibigay-diin ni Castro ang problema sa ginawa ng mga pulis ay hindi lang ito simpleng bisita kundi iligal na ina-access ng mga ito ang ilang mahahalaga at sensitibong impormasyon ng mga mamamahayag.

Sa kabila ng paghingi ng paumanhin ni NCRPO Chief BGen. Jonnel Estomo kaugnay sa insidente at inatasan ang lahat ng Police Districts sa NCR na itigil na ang ganitong gawain.

Naniniwala si Castro na kailangan pa rin magsagawa ng imbestigasyon ang Kamara hinggil dito at hindi tama na ituring itong isolated case.

Nais ng Makabayan bloc lawmaker na magkaroon sila ng kopya ng nasabing memorandum na nag-uutos sa pagbisita sa mga bahay ng ilang mga mamamahayag.