-- Advertisements --


Ibo-boycott ng Mayakabayan Bloc sa Kamara ang huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa isang virtual press conference, sinabi ng mga kongresistang napabilang sa naturang grupo na bigo ang Duterte administration na tuparin ang mga pangako nito para sa sambayanang Pilipino.

Narinig na rin aniya nila ang sentimiyento ng taumbayan laban sa Duterte administration, kabilang na ang tungkol sa kahirapan, labor sector, education system sa gitna ng pandemya, ang estado ng mga medical frontliners, mga biktima ng drug war, pag-atake sa mga mamahayag, mga abogado at uba pang aktibista, at ang tensyon sa West Philippine SEa.

Ang mga issue na ito ay tiyak anila na pipilitin ni Pangulong Duterte na maglubid ng mga kasinungalingan para pagtakpan ang mga kapalpakan ng administrasyon.

Tiyak din aniya na maglalatag si pangulong Duterte ng “phantasmic basis” para naman sa unconstitutional nitong pangarap na Duterte Dynasty.

Una rito, nagmartsa ang mga miyembro ng grupo, suot ang kanilang mga protest outfits, patungong University of the Philippines Diliman para ipahayag ang kanilang protesta laban sa pamahalaan.