Umaapela ang Makabayan Bloc lawmakers sa pamunuan ng Kamara na imbestigahan ang kaso ng pagpatay sa modelo at negosyanteng si Yvonne Chua Plaza sa Davao City kamakailan.
Naghain ang mga kongresista ng Makabayan ng House Resolution No. 729 para siyasatin ng House Committee on Women and Gender Equality ang kaso βin aid of legislation.β
Layon nito na makahanap o makapag-rekumenda rin ng mga hakbang para mapalakas ang mga kasalukuyang batas na layong protektahan ang mga kababaihan, at maibigay din ang hustisya para sa mga biktima ng umano’y βmen in uniforms.β
Una ng tinukoy ng PNP na mga sundalo ang bumaril kay Plaza, at ang itinurong utak dito ay si Brig. General Jesus Durante III.
Sa resolusyon, iginiit ng Makabayan Bloc na dapat na mapanagot ang mga sangkot sa krimen.
Sinabi ng Makabayan Bloc na ang kaso ni Chua ay dagdag sa listahan ng mga kaharasan sa mga kababaihan.
Sa ngayon, gumugulong na ang kasong kriminal laban sa army general at sa mga iba pang sangkot sa krimen habang naghahanda na rin ang Philippine Army para sa nakatakdang General Court Martial laban kay Durante at sa isa pang opisyal.