Nahalal bilang mga bagong miyembro ng Senate Blue Ribbon Committee ang mga senador na nagsisilbing miyembro ng Senate majority bloc.
Sa ginanap na special session ngayong araw, June 17, pare-parehong nahalal bilang mga miyembro ng makapangyarihang panel ang mga miyembro ng mayorya.
Ito ay matapos ideklarang bakante ang mga posisyon sa Senado kasunod ng panibagong reorganisasyon ngayong araw, na naging daan sa pagpapalit ng liderato ng kapulungan at mga pinuno ng mga komite.
Sa kabilang banda, sinabi ni Senate Majority Leader Migz Zubiri na hiniling ni Senator Francis Escudero na huwag na siyang isama bilang miyembro ng Senate Blue Ribbon Committee habang isinasagawa ang pagpili ng mga miyembro ng mga komite sa Senado.
Ang Blue Ribbon ang isa sa pinaka-makapangyarihang komite sa mataas na kapulungan kung saan ang naturang komite ang may kapangyarihang imbestigahan ang mga malalaking isyu tulad ng flood control projects.
Unang nahalal si Sen. Erwin Tulfo bilang chairman ng naturang komite, na pumalit sa dating chairperson na si Sen. Pia Cayetano.
















