-- Advertisements --

Present ang kabuuang 13 senador sa isinagawang roll call sa pgbubukas ng special session ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso ngayong Miyerkules, Hunyo 17.

Naging daan ito para ideklara ang quorum sa kapulungan.

Dumalo sa sesyon ang mga senador na kaalyado ni Senador Sherwin Gatchalian kabilang sina Senador Juan Miguel Zubiri, Bam Aquino, Vicente Sotto III, Panfilo Lacson, JV Ejercito, Risa Hontiveros, Kiko Pangilinan, Lito Lapid, Erwin Tulfo, Raffy Tulfo, gayundin si Sen. Francis Escudero na kumalas kamakailan mula sa Cayetano bloc.

Samantala, present din sa sesyon si Senador Joel Villanueva na naging daan para mabuo ang 13 bilang para makapaghalal ng bagong liderato ng Senado.

Habang no show pa rin ang ibang mga senador na kaalyado ni Senador Alan Peter Cayetano.