-- Advertisements --

Pinawi ng Department of Health (DoH) ang pangamba ng mga kaanak ng mga naka-quarantine na crew ng MV Diamond Princess sa New Clark City sa Capaz, Tarlac.

Sinabi sa Bombo Radyo ni DoH Asec. Maria Rosario Vergeire na mula sa dating paghahanda noong bumalik ang mga nagmula sa Wuhan City ay mas hinigitan pa nila ngayon dahil sa dami ng mga na-repatriate na aabot sa halos 500.

Maging ang mga magsisilbi ng pagkain at regular na sumusuring medical personnel ay gumagamit ng kompletong protective suit.

Habang ang mga ospital na maaaring pagdadalhan, kung sakaling may magpopositibo sa virus ay nakahanda na rin.

Sagot naman ng gobyerno ang gastos dito at iba pang pangangailangan ng mga pasyente.