-- Advertisements --

Muling isasara ang main office building ng Bureau of Immigration (BI) sa Intramuros, Manila para sa dalawang araw na disinfection na gagawin simula bukas, Hulyo 27.

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, tatlo kasi sa kanilang mga empleyado ang nagpositibo kamakailan sa COVID-19.

Sa loob ng dalawang araw na suspension ng kanilang operations, sinabi ni Morente na obligadong sumailalim sa rapid anti-body test ang lahat ng mga empleyado sa main office.

Ang mga magpopositibo sa rapid test ay kailangan namang sumailalim sa confirmatory swab test.

Samantala, ang mga immigration officers sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ay kailangan namang sumailalim sa sa pang round ng rapid test sa COVID-19 sa susunod na buwan.