-- Advertisements --

Kinokonsidera umano ng Commission on Elections (Comelec) na pumayag sa postal voting o mail-in voting para sa mga senior citizens at persons with disability (PWDs) sa gaganaping national at local elections sa 2022.

Kasalukuyang ginagawa ang mail-in voting sa mga overseas Filipino workers (OFWs) na nasa ibayong dagat.

Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, nais umano ng Comelec na palawigin ito para makasali ang domestic voting.

Dagdag pa ni Jimenez, mayroon ng nakabinbing panukala sa kongreso na papayag sa mail-in voting para sa mga domestic voters.

Inaaral na rin daw ng ahensya ang pagpapalawig pa ng iba’t ibang alternatibo para makaboto tulad ng online voting ngunit inaaral pa nila kung papaano ito isasagawa.

Hirit pa ni Jimenez na sa kabila ng nananatiling banta ng COVID-19, ay wala silang nakikitang rason upang hindi ituloy ang eleksyon sa 2022.

Bago ito ay inihain na ni Marikina City Representative Stella Quimbo ang House Bill 7572 na magbibigay pahintulot sa mga senior citizens sa mail-in voting mula sa kanilang mga tahanan