Ibinida ng Philippine National Police ang muling pagbaba ng crime rate sa bansa na naitala nito sa nakalipas na sampung buwan.
Ito ay matapos na makapagtala ang Pambansang Pulisya ng mahigit walong porsiyento na pagbaba ng krimen sa Pilipinas mula noong Enero 1 hanggang Oktubre 31, 2023 sa parehong panahon noong nakaraang taon.
Batay sa pinakahuling datos na inilabas ng PNP Crime Information Reporting and Analysis Sytem, nasa 8.24% ang ibinaba ng index crime sa bansa, habang nasa 8.18% naman ang ibinaba ng focus crime tulad ng murder, robbery, theft, rape, physical injury, at carnapping.
Kaugnay nito ay nasa 732 na mga indibidwal na rin ang naaresto ng kapulisan, habang 4,096 na mga biktima naman ang kanilang nasagip sa kampanya ng Pambansang Pulisya kontro cybercrimes.
Samantala, bukod dito rito ay nakapagtala rin ng 71.76% na recovery efficiency ang PNP hinggil sa mga insidente ng carnapping, kung saan nasa 63,486 katao ang naaresto, at 341 ang sumuko.