Lumitaw ngayon na 60% ng COVID-19 patients na naka-confine sa Philippine General Hospital (PGH) ay hindi pa bakunado laban sa virus.
Katumbas ito ng 16 mula sa 27 mga pasyenteng infected sa naturang ospital, na siyang pangunahing referral facility para sa mga kaso ng COVID.
Kaya naman, hangad ng mga tauhan ng pagamutan na mas marami pa ang magpabakuna, lalo’t marami nang vaccine ang malapit nang masayang dahil sa expiration sa mga susunod na buwan.
Ayon kay Dr. Evalyn Roxas, infectious disease consultant, 12 sa kanila ang naka-admit sa COVID-19 wards habang apat ang nasa intensive care unit (ICU).
Samantala, 11 naman sa mga pasyente ang nakakumpleto na ng kanilang primary series pero isa lamang sa kanila ang nakapagpaturok na booster shot.
Bagama’t maliit ang bilang na ito kumpara noong nagkaroon ng surge, makikita umanong mahalaga pa rin na mapaigting ang bakunahan sa ating bansa.