Positibong inanunsyo ng Atin Ito Coalition ang pagpapatuloy ng ‘civilian mission’ sa pinag-aagawang teritoryo na West Philippine Sea.
Sa isang pulong balitaan, inihayag mismo ni Rafaela David, ang Civilian Mission Commander ng koalisyon ang ika-apat na pagsasagawa ng naturang misyon.
Patungo ang grupo at mga makikiisang sibilyan sa Pag-asa island sa darating na ika-30 ng Abril hanggang sa ika-5 ng Mayo.
Layon maisulong sa ika-apat na misyon na maipagpatuloy ang mapayapang presensya, pagkakaisa, at suporta sa mga Pilipinong naninirahan sa komunidad
Dagdag pa niya’y nais din ng koalisyon na mabigyang diin sa isasagawang misyon na ang West Philippine Sea ay teritoryo ng bansa sa kabila ng pilit na pang-aagaw ng iba.
Mayroon mga isasagawang medical mission, pamamahagi ng pangunahing pangangailangan sa komunidad at maging re-fuel supply sa mga mangingisdang lokal.
Isa mga magiging kaabang-abang sa ika-apat na ‘civilian mission’ ay ang ‘jetski flag ride’ o pagsakay sa jetski para ipakita ang payapang presensya sa teritoryo.
















