KALIBO, Aklan — Naglunsad ng welga ang nasa 40 trabahador ng kino-construct na bagong Kalibo public market sa Roxas Avenue, Kalibo dahil sa sinasabing hindi makataong pagtrato sa kanila ng head engineer ng nasabing proyekto at iba pang paglabag sa labor rights.
Ayon kay Jose Jomer Quimpo, isang foreman na napilitan silang magwelga sa labas ng kanilang construction site bilang pagpakita ng kanilang sama-samang pagtindig upang mapa-alis si head engineer Rhea Kassandra De Vera at maipabot ang hindi kompletong pasahod lalo na sa kanilang overtime pay, illegal dismissal at kawalan ng sapat na safety gear.
Aniya, ugali na ng engineer na magbitaw ng mga masasamang salita at magmura kahit sa harap ng maraming tao kapag bumabale o humihiling ng cash advance o kaya ay liliban muna sa trabaho.
Dagdag pa nito na hindi sila ang problema sa delay na trabaho kundi ang kakulangan ng mga materyales.
Nabatid na binabatikos ngayon ng mga mamamayan ang mabagal na construction ng palengke na dapat ay natapos na noong Agosto ng kasalukuyang taon.
Samantala, ipinasigurpo ni Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) Aklan provincial coordinator Kim Sin Tugna na makikipagtulungan sila sa mga nag-wewelgang trabahador na humingi ng tulong sa Department of Labor and Employment (DOLE)-Aklan at LGU-Kalibo upang maprotektahan at mapatupad ang karapatan ng mga manggagawa.