-- Advertisements --

Naglaan ang Department of Budget and Management (DBM) ng mahigit P800 bilyon para pondohan ang mga programa para sa medical care at health assistance sa mga marginalized na Pilipino sa ilalim ng panukalang P5.768-trillion national budget sa susunod na taon.

Ang Budget Department ay naglaan ng P101.5 bilyon para sa National Health Insurance Program ng Philippine Health Insurance Corp (PhilHealth).

Ang halaga ay magpopondo sa mga subsidies para sa mga pangangailangan sa health insurance ng mga sumusunod:

-12.75 million indigents sa ilalim nh National Household Targeting System
-8.26 million senior citizens sa ilalim ng Republic Act (RA) 10645 or the Expanded Senior Citizens Act of 2010
-136,030 unemployed persons with disability;
-15,683 financially-incapable point-of-service patients; and
-25,512 “PAyapa at MAsaganang PamayaNAn” beneficiaries.

Bukod dito, P22.3 bilyon ang itataya para sa tulong medikal sa 1.31 milyong indigent at financially-incapacitated na mga pasyente.

Nasa P1.707 bilyon ang ilalaan para sa Prevention and Control of Non-Communicable Diseases, na pinaghiwa-hiwalay tulad ng sumusunod:

-P1.024 bilyon para sa 18,695 na mga pasyente ng cancer

  • P682.709 milyon ang inilaan sa 124,246 na mga mental health patients.

Una nang binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagsisikap ng kanyang administrasyon na magbigay ng libreng pangangalagang pangkalusugan para sa mamamayang Pilipino.