-- Advertisements --
Nasa mahigit P7.2 bilyon na halaga ng bigas ang nasasayang sa bansa kada taon.
Ito ang lumabas na pag-aaral mula sa Philippine Rice Research Institute.
Base sa kanilang pag-aaral na bawat consumer ay nagsasayang ng dalawang kutsara ng kanin kada araw.
Ang nasabing mga nasayang na bigas ay kayang magpakain ng mahigit dalawang milyong k atao kada taon.
Una ng sinabi ng Department of Agriculture na asahan ang kakulangan ng 80,000 metric tons ng bigas mula Hulyo hanggang Setyembre.
Pagtitiyak naman ng DA na kanilang tinutugunan ang nasabing problema ng kakulangan ng bigas sa bansa sa pamamagitan ng pag-angkat mula sa ibang bansa.