-- Advertisements --
Nasabat ng Bureau of Customs (BOC) at National Bureau of Investigation (NBI) ang cold storage facility sa Binondo, Manila na naglalaman ng mga puslit na agricultural products.
Ayon sa BOC na ilang araw silang nagsagawa ng surveilance sa lugar at ng makuha ang pagkakataon ay agad nilang nilusob ang nasabing lugar.
Tumambad sa kanila ang nagkakahalaga ng mahigit na P5 milyon na mga agricultural products na galing sa ibang bansa.
Ibinebenta ang nasabing mga iba’t-ibang gulay at prutas sa murang halaga.
Naaresto ng mga otoridad ang mga bantay ng cold-storage facilities at inaalam pa nila kung sino ang tunay na may-ari ng nasabing cold storage facilities.