-- Advertisements --
image 478

Aabot sa mahigit Php400-milyong na halaga ng imported na bigas at iba pang mga imported products ang nadiskubre ng Bureau of Customs sa isang warehouse sa Maynila.

Ito ay matapos ang ikinasang raid ng mga tauhan ng bureau sa Maynila noong Setyembre 16, 2023.

Ayon kay BOC Commissioner Bienvenido Rubio, nakasamsam ang mga otoridad ng nasa 36,086 sako ng mga pinaghihinalaang smuggled na bigas mula sa Vietnam, Thailand, at Myanmar na may katumbas na halaga na Php90.2 million.

Kabilang rin sa kanilang mga nadiskubre ay mga imported goods tulad ng mga laruang pambata, cosmetics, kitchenware, household wares, videoke machine, fablics, pharmaceutical products, sapatos, apparel, at general merchandise tinatayang may katumbas na halaga na Php310-million.

Kaugnay nito ay sinabi naman ni Intelligence Group Deputy Commissioner Juvymax Uy na nagpatupad na rin ng Letters of Authority ang mga operatibang binubuo ng mga Customs Intelligence and Investigation Service-Manila International Container Port, at Philippine Coast Guard para sa kinatawan ng mga nilusob na mga warehouse sa Antonio Rivera St., at Dagupan St. sa Tondo, Maynila bago nila ipagpatuoloy ang pagsasagawa ng inspection sa iba pang mga bodega.

Samantala, sa ngayon ay kinandado muna ng mga otoridad ang naturang mga warehouses, habang patuloy ang isinasagawang inventory ng mga assigned Customs examiner.