-- Advertisements --

Loops: BIR / pekeng resibo / BIR Commissioner Romeo Lumagui / mga resibo / mga pera

Umabot sa 370 billion ang kabuuang halaga ng pagkawala ng kita dahil sa mga ghost receipts sa buong bansa.

Sinabi ng Bureau of Internal Revenue (BIR), na ito ang naitalang kabuuang halaga matapos na makalkula ang total purchases.

Ang mga ghost receipts ay ibinibigay ng mga ghost corporation upang mapalsipikado ang mga transaksyon.

Sinabi ni BIR Commissioner Romeo Lumagui na ang mga ghost corporations ay nakarehistro sa Securities and Exchange Commission (SEC).

Noong unang bahagi ng taong ito, nagsampa ang BIR ng mga kasong kriminal laban sa mga natukoy na mamimili o kliyente ng sindikato ng mga ghost receipts.

Nagsampa rin ang kawanihan ng mga kasong kriminal laban sa mga nagbebenta at kanilang mga accountant noong Marso 2023.

Sa datos ng BIR, umabot na sa P1.3 trilyon ang kabuuang halaga ng mga ghost receipts na inisyu sa buong bansa.