Screenshot 2020 06 20 13 54 46

NAGA CITY- Mahigit P3 million na halaga ng shabu ang nasabat ng mga otoridad sa apat na suspek sa Batangas City.

Kinilala ang mga suspek na sina Venerando Gonzales, 50; Christian John Cuizon, 34; Kenneth Austin Recinto, 30 at si Kristel Jimsy Villanueva, 23.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Batangas Police Provincial Office, nakumpiska sa naturang mga suspek ang 10 sachet ng shabu na nasa 467.7 grams ang kabuuang timbang.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, narekober pa sa mga ito ang mga pekeng pera at ilan pang mga drug paraphernalia.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga otoridad ang mga suspek para sa karampatang disposisyon habang nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa naturang insidente.