-- Advertisements --

Sa nagpapatuloy na relief efforts ng gobyerno, nasa P29.6 million halaga ng assistance ang naipamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga nasalanta ng nagdaang bagyo.

Kaagapay ng ahensiya ang mga lokal na pamahalaan at ilang Non-government organizations na nagpapaabot din ng tulong.

Ayon kay DSWD spokesperson Rommel Lopez, kabilang sa rehiyon na matinding nasalanta ng bagyo ang Ilocos, Cagayan, central Luzon, Calabarzon , Bicol at sa Cordillera.

Aniya, nadagdagan pa ang bilang ng mga kabahayan na nagtala ng pinsala na nasa 12,000 na. Karamihan sa mga naitala sa Calabarzon, Cagayan at Central Luzon.

Saad pa ng DSWD official na medyo nahihirapan din ang kanilang mga personnel sa paghahatid ng relief goods sa Polillo Island at sa General Nakar sa Quezon.

Gayunpaman, nakikipagtulungan na ang DSWD sa iba pang government agencies gaya ng Armed Forces of the Philippines (AFP) para maipaabot ang kinakailangang relief goods ng ating mga kababayang apektado ng nagdaang bagyo.