Iniulat ng Department of Agriculture (DA) ang paunang P255,000 halaga ng pinsala sa mga pananim dahil sa epekto ng Bagyong Egay.
Binanggit ang initial assessment ng DA Regional Field Offices (RFOs) sa Calabarzon at Mimaropa, sinabi ng kagawaran na ang pinsala sa mga pananim ay nakaapekto sa 77 magsasaka.
Ang dami ng pagkawala ng produksyon ay nasa apat na metrikong tonelada (MT) at 40 ektarya ng mga palay.
Ang DA, sa pamamagitan ng mga Regional Field Offices nito, ay sinusubaybayan ang mga epekto ng Bagyong Egay at nagsasagawa ng assessment ng pinsala at pagkalugi na dala sa sektor ng agrikultura at pangisdaan.
Nakikipag-ugnayan din ang nasabing departamento sa mga kinauukulang ahensya ng gobyerno, mga LGUs at iba pang tanggapan sa pagtugon sa kalamidad sa mga magagamit na mga resources para sa tulong bilang tugon sa epekto ng bagyo.
Sa kasalakuyan, nagpakalat na din ang DA ng mga tauhan nito upang masuri pa ang lawak ng pinsala sa agrikultura at pangisdaan sa buong bansa.