-- Advertisements --

Aabot sa P23.8 milyon na halaga ng smuggled na refined sugar mula sa Hong Kong ang nakumpiska ng Bureau of Customs (BOC) sa Manila International Container Port (MICP).

Ang nasabing hakbang ay bilang bahagi ng pinaigting nilang kampanya laban sa smuggling ng mga agricultural products.

Ayon sa BOC na ang mga containers ay unang idineklara bilang mga insulators, surge arresters, suwelas ng tsinelas at Styerene Butadiene rubber mula sa Hong Kong.

Nadiskubre na lamang nila na mga puslit na asukal ito ng magsagawa sila ng physical examination sa nasabing mga kargamento.

Pagtitiyak naman ni BOC Commissioner Yogi Filemon Ruiz na masasampahan ng kaukulang kaso ang consignee na Burias Jang Consumer Goods Trading.