-- Advertisements --
image 540

Naka-standby na ang mahigit dalawang bilyong piso na halaga ng tulong na maaating ipamahagi sa mga residente na maaapektuhan sa pananalasa ng bagyong Goring.

Ayon sa tagapagsalita ng National Disaster Risk Reduction and Management Council na si Edgar Posadas, ang naturang pondo ay hiwalay pa sa pondong hawak ng Department of Social Welfare and Development at iba pang ahensiya na nakatutok sa disaster mitigation.

Ang Red Alert status aniya ay magbibigay-hudyat ng pagpapatuloy ng monitoring ng mga Local Government units sa kani-kanilang mga lugar.

Nauna na ring itinaas ng NDRRMC ang limang rehiyon sa Luzon sa ilalim ng red alert na kinabibilangan ng CAR, R01, R02, R03, at MIMAROPA

Samantala, sinabi naman ni Armed Forces Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. na nakahandang tumulong ang mga Australlian troops na kasalukuyang nagsasagawa ng mga military drills sa Pilipinas.

Ayon kay Gen. Brawner, maaaring tumulong sa mga emergency operations ang naturang tropa, sa mga lugar na nangangailangan ng karagdagang manpower.