-- Advertisements --

Patuloy pang nadaragdagan ang halaga ng pinsala sa imprastraktura na naitatala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council nang dahil pa rin sa epekto ng masamang lagay ng panahon na nararanasan sa ilang rehiyon sa Pilipinas.

Batay sa pinakahuling ulat na inilabas ng NDRRMC, nasa kabuuang Php2,610,000 na ang halaga ng pinsala sa imprastraktura ang tinamo ng Davao at Caraga region.

Mula sa naturang halaga, aabot sa Php2,550,000 na halaga ang tinamo ng Davao region, habang nasa Php60,000 naman ang naitala sa Caraga region.

Kaugnay nito ay nakapagtala rin ang ahensya ng kabuuang 101 na mga kabahayan na nasira nang dahil pa rin sa shear line at trough ng low pressure area sa lugar kung saan 41 ang naitalag partially damaged, at 52 nama ang pawang totally damaged na kapwang napaulat sa una nang nabanggit na mga lalawigan.

Samantala, bukod dito ay nakapagtala rin ng kabuuang 1,304 na pinsala sa agrikultura ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.