ng Private Hospitals Association of the Philippines, Inc. (PHAPI) na nasa P10 billion pa ang claims sa mga pribadong ospital ang hindi pa nababayaran ng state-run na Philippine health Insurance Corporation (PhilHealth).
Ayon kay PHAPI President, Dr. Jose Rene De Grano, base sa kanilang pagtaya ang unpaid claims ay nasa tatlo hanggang apat na buwan na ang nakakalipas.
Aniya, patuloy na tumataas pa ang unplaid claims kasabay na rin ng nadaragdagang bilang ng mga pasyenteng nagtutungo sa pagamutan araw-araw.
Hindi naman aniya matanggihan ng private hospitals ang mga pasyente o kaya ay hindi ibigay ang kanilang Philhealth benefits dahil ang mga paseyente ang kawawa.
Una rito, noong Miyerkules, nangako ang Philhealth na babayaran ang mataas na porsyento ng hospital dues na P27 billion sa loob ng 90 araw kabilang na ang unpaid claims sa mga pribadong ospital.