CENTRAL MINDANAO-Umabot sa P 1, 316,500 ang ipinamahaging ayuda ng pamahalaang panlalawigan ng Cotabato sa mga nabiktima ng lindol noong nakaraang taon sa bayan ng Tulunan.

Labing pito sa mga ito ay tumanggap ng tig P2,500 ( totally damaged) habang 637 naman ang tumanggap ng tig P 2,000 ( partially damaged) na nagmula sa mga barangay ng New panay (62) Nabundasan ( 55) Poblacion (418) ay Tuburan (119).

Nagpaabot ng malaking pasasalamat kay Governor Nancy Catamco ang mga benepisyaryo sa ayudang tinanggap na malaking tulong na anila sa kanila.

Ang distribusyon ay pinangunahan ng mga kinatawan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), Provincial Treasurers Office (PTO) MDRRMO-Tulunan at Office of Barangay Affairs.