-- Advertisements --

Pumalo sa halos 600,000 ang muling nagkaroon ng trabaho nitong buwan ng Setyembre.

Ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello III, maituturing nilang pambawi ito sa lumabas na ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na sumirit sa 3.88-M ang unemployment rate sa buwan ng Agosto.

Naniniwala si Bello na resulta ito ng pinairal na lockdown kontra COVID-19.

Pero dahil muli nang niluwagan ang operasyon ng mga establishimento, marami na rin ang nagbalik sa trabaho, maging ito man ay pormal o inpormal na hanap-buhay.

Sinabi ng kalihim na ang mga nawalan ng trabaho dahil sa pinairal na lockdown ay maaaring mag avail sa Tulong

Panghanapbuhay sa ating Disadvantaged/Displaced Workers Program (TUPAD), kung saan mayroon pang P3.5 billion na nakalaan ang gobyerno.