-- Advertisements --

Mahigit 87k jeepney drivers, nakatanggap na ng fuel subsidy – Landbank
loops: fuel subsidy, jeepney drivers, Landbank

Aabot na sa 87,500 jeepney drivers sa buong bansa ang nakatanggap ng fuel subsidies ayon sa state-run Land bank of the Philippines.

Nakatanggap ang bawat jeepney drivers ng P6,500 sa unang linggo ng distribusyom mg cash aid sa gitna ng ilang serye ng pagtaas ng presyo ng langis sa bansa.

Sa isang statement, sinabi ni Landbank president at CEO Cecilia Borromeo.na maigting na silang nakikipag-ugnayan sa Department of Transportation (DOTr) at sa Land Transportation Franchising and regulatory Board (LTFRB) kung saan nasa kabuuang P569 million na ang naicredit na sa existing Pantawid Pasada cash cardholders sa ilalim ng Fuel Subsidy Program noong March 17.

Nasa mahigit 37,000 PUVs driver ang kwalipikadong makatanggap ng cash aid sa ilalim ng subsidy program.

Ang mga benepisyaryo na walang Pantawid Pasada cash cards ay mabibigyan ng cash cards sa designated Lanbank branches sa natukoy ng LTFRB.

Magagamit ang Pantawid Pasada cash cards sa pagbili ng langis sa mga fuel stations sa buong bansa.