-- Advertisements --

Nasa mahigit 85 percent ng populasyon ng Gaza ang sapilitang lumikas sa kanilang kabahayan mula ng sumiklab ang labanan sa pagitan ng Hamas at Israel defense forces.

Ayon sa United Nation na ang bilang ng mga lumikas ay mabilis na tumaas sa loob lamang ng ilang linggo.

Sa kanilang pagtaya ay nasa 1.9 milyon ang lumikas sa kanilang kabahayan.

Ikinakabahala rin ng UN na sa patuloy na kaguluhan sa lugar ay tataas pa ang bilang ng mga lilikas na residente doon.