-- Advertisements --

Handa na ang mga awtoridad sa pagpapatupad ng mapayapa at maayos na national at local elections bansa.

Ilang araw bago ang mismong araw ng halalan sa Mayo 9 ay inatasan na ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang nasa mahigit 80,000 na kanilang mga tauhan upang magpatupad ng seguridad hindi lamang sa pagdadala ng mga balota kundi pati na rin sa kaligtasan ng milyun-milyong mga botante at libu-libong mga kandidato sa buong bansa.

Sumailalim din sa refresher course ng mga tungkulin ng Board of Election (BOE) inspectors ang 988 na mga pulis na naitatalaga naman para magstandby na handang pumalit sa mga teacher-BOE sakaling mabigo ang mga ito na gampanan ang kanilang mga tungkulin o di kaya’y iwanan nito ang kanilang mga posts sa mismong araw ng botohan nang dahil sa ilang security concerns.

Sinanay din ng AFP ang 2,000 sa kanilang mga kawani na itatalaga rin sa kaparehong tungkulin.

Samantala, sa ngayon ay nasa 114 na mga lungsod at munisipalidad din ang isinailalim ng PNP sa red category o areas of grave concern.