-- Advertisements --
Aabot sa 1,000 mag-aaral at guro sa Indonesia ang nagkasakit matapos na kumain mula sa feeding program ng kanilang gobyerno.
Nakaranas ng pananakit sa kanilang tiyan at pagkahilo ang mahigit na 700 na high school students ng Rembang, Central Java.
Ang nasabing pagkain ay mula sa programa ni President Prabowo Subianto para mapaganda ang kalusugan ng mga mag-aaral sa Indonesia.
Dinala na agad sa mga pagamutan ang mga mag-aaral at guro matapos na sila ay ma-food poison.
Tiniyak naman ng gobyerno ng Indonesia na kanilang sasagutin ang mga gastusin sa pagamutan ng mga mag-aaral at guro.
Humingi na rin ng paumanhin ang food distributor at nangakong magbibigay din ng tulong sa mga apektadong mag-aaral at guro.
















