-- Advertisements --
Mahigit 70 milyon na mga Philippine Identification System ID (PhiID) at ePhilID ang naipamigay na sa mga rehistradong mamamayan.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) na ang bilang ay hanggang Hunyo 16 na may kabuuang 70,271,330.
Sa nasabing bilang aniya ay nasa mahigit 33 milyon dito ang nabigyan na ng card habang mahigit 36 milyon ang nakatanggap ng electronic version ng kanilang national ID na kanilang nai-download at naiprint.
Patuloy naman ang panghihikayat ni PSA Undersecretary Claire Dennis Mapa sa mga mamamayan na ang nasabing mga ID ay maaring magamit sa anumang transaksyons.