Inabutan ng tulong ang mahigit 600 pamilya na naging biktima ng super typhoon Egay sa R1 at CAR, sa Northern Luzon.
Ito ay matapos na makapaglabas ng pondo ang National Housing Authority na nagkakahalaga ng kabuuang P50 Million, kasunod na rin ng naging kautusan ni Pangulong BBM.
Bawat pamilya ay pinagkalooban ng tig-P20,000 na ayuda, sa ilalim ng Emergency Housing Assistance Program (EHAP)..
Umabot naman sa mahigit 641 ang bilang ng mga pamilyang nakinabang dito.
352 dito ay mula sa mga bayan ng Ilocos Norte, 157 sa kanila ay mula sa ibat-ibang bayan sa Abra, habang may kabuuang 132 pamilya ang nabigyan ng tulong sa Ilocos Sur.
Tiniyak naman ng NHA na ipagpapatuloy pa rin nito ang pagbibigay ng tulong pinansyal sa mga pamilyang naapektuhan ng nasabing super typhoon, kasama na ang mga pamilyang naapektuhan ng Bagyong Falcon at habagat.