-- Advertisements --

Iniulat ng Department of Health (DOH) na nakapag-detect ng 628 bagong kaso ng apat na omicron subvariants at 94 bagong kaso ng Delta varinat ng covid-19.

Ayon sa DOH, nasa kabuuang 605 cases ng BA.5 omicron subvariant, 18 kaso ng BA.4 at 5 kaso ng BA.2.75.

Nakapagtala ng mga kaso ng BA.5 omicron subvariant sa Ilocos region, Cagayan valley, Central luzon, Bicol region, Western Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Davao Region,Soccsksargen,Calabarzon, Mimaropa, Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, Cordillera Administrative Region, Caraga, e National Capital Region (NCR), at may dalawang returning overseas Filipinos.

Nakapagdetect naman ng karagdagang mga kaso ng BA.4 mula sa Cagayan Valley, Bicol Region, Northern Mindanao at Soccsksargen.

Sa bagong mga dinapuan ng BA.2.75 cases, naitala sa Ilocos Region, Central Luzon, Central Visayas, Davao Region at may isang returning overseas Filipino.

Sa bagong kaso naman ng Delta variant sa bansa, nadetect ito mula sa Ilocos Region, Central Luzon, Central Visayas, Davao Region, ta isang returning overseas Filipino.

Ang mga bagong kaso ay base sa latest genome sequencing results mula October 7 hanggang 10.