-- Advertisements --
Mahigit 60.4% ng 168 milyong subscriber na ang nakapagrehistro ng kanilang mga SIM card, ayon sa Department of Information and Communications Technology (DICT).
Nakapagtala ang nasabing departamento ng bagong 101.4 milyong SIM card registrants.
Ang kabuuang bilang ay sa gitna ng nalalabing araw na may tatlong linggo na lamang bago mag-expire ang pinalawig na deadline.
Nauna nang sinabi ni DICT Secretary Ivan John Uy na nagtakda sila ng minimum na target na 70 percent SIM card registrations sa darating na Hulyo 25.
Sa ngayon, mahigpit pa ding nagpapaalala ang DICT na magparehistro na dahil nalalapit na ang huling araw o ang deadline ng SIM card registration.