-- Advertisements --
DSWD Relief

Umabot na sa mahigit 5,500 na indibidwal sa Northern Luzon ang napaulat na naapektuhan ng pananalasa ng Bagyong Goring.

Ang nasabing bilang ay katumbas ng 1,719 na pamilya.

Ayon sa Department of Social Welfare and Development, kinabibilangan ito ng mga pamilya sa CAR, R02, at R01, na hanggang sa ngayon ay patuloy pa ring nakkaaranas ng bagyo.

Batay pa sa datus ng ahensiya, umaabot na sa 900 na indibidwal ang pansamantalang nanunuluyan sa mga evacuation center sa Hilagang Luzon na katumbas ng 286 na pamilya.

Siyamnapung pamilya naman ang pansamantalang nakitira sa kanilang mga kaanak na pamilya.

Pagtitiyak ng kagawaran, nakahanda ang mga tulong na ibibigay sa mga biktima ng naturang kalamidad.

Kinabibilangan ito ng P1.8billion na relief assistance na binubuo ng P1.7billion na halaga ng mga stockpiles, at P140M na pondo.