-- Advertisements --

Aabot sa mahigit 500 kabahayan ang natupok ng sunog sa isang residential area sa Puerto Princesa.

Ito ay matapos ang pagsiklab ng apoy sa Barangay Bagong Silang at Barangay Pagkakaisa sa Quinto area ng naturang probinsya kaninang umaga.

Kaugnay nito ay agad naman itong naapula ng mga kinauukulan kasunod ng pagresponde ng mga tauhan ng Philippine Air Force firefighter, Bureau of Fire Protection, Coast Guard District Palawan, local government agencies, at mga volunteers.

Samantala, sa ngayon ay nagpapatuloy pa rin ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa posibleng naging sanhi ng nangyaring sunog at kung gaano kalawak at laki ang halaga ng pinsalang idinulot nito.