Nakatanggap muli ang bansa ng karagdagang 561,600 doses ng COVID-19 vaccine mula sa kumpanyang Pfizer.

Ang nasabing bakuna ay mula sa COVAX facility na dumating nitong Lunes ng gabi.

-- Advertisement --

Dahil sa bilang ay mayroong mahigit 9 milyon doses ang naideliver sa bansa mula Setyembre 13-19 na siyang pinakamaraming bilang sa loob ng isang linggo.

Sa kabuuan ay mayroong 64,942,000 na bakuna ang natanggap ng bansa mula ng magsimula ang deliveries nitong Marso.