Nadagdagan pa ang bilang ng mga resindente sa lalawigan ng Batanes ang inilikas nang sa epekto ng pananalasa ng Bagyong Betty.
Ito ay dahil sa malalakas na hangin at hampas ng alon na nararanasan sa lalawigan kahit na halos bihira na lamang itong makaranas ng mga pag-ulan.
Sa ulat, umabot na sa 56 na mga residente ang kinailangang ilikas mula sa dating 40 na bilang na una nang naitala ng mga otoridad.
Nasa 26 sa mga ito ang nananatili sa mga evacuation centers habang nasa 30 naman ang dinala sa mga shelter na nasa iba pang lugar.
Samantala, sa ngayon ay wala pa namang naitatalang casualty sa lugar ngunit kaugnay nito ay nakatakdang magsagawa ng assessment ang lokal na pamahalaan ng Batanes para sa posibleng mga pinsalang idinulot ng bagyong Betty dito.
Balik operasyon na rin ang lahat ng mga public at private offices dito, habang ang balik-eskwela naman ay nakadepende sa pagpapasya ng mga municipal government doon.