-- Advertisements --

Patay ang mahigit 50 pilot whale matapos ma-stranded sa isang beach sa Isle of Lewis sa Scotland.

Ito na ang pinakamalaking naitalang mass stranding sa bansa sa loob ng ilang dekada.

Linggo ng umaga ng inalerto ang mga awtoridad sa insidente at hindi ito nagtagumpay sa pagtatangka na e-refloat ang higit isang dosenang buhay na balyena.

Matapos ang ilang oras, nagdesisyon na ang awtoridad na e-euthenize nalang ang ilang natitirang stranded na balyena sa welfare grounds. Umabot sa kabuuang 55 na balyena ang namatay at isang pinaghihinalaang nabuhay.

Ayon sa Charity British Divers Marine Life Rescue na isang babaeng balyena ang natagpuang may vaginal prolapse at pinaghihinalaang ang buong pod ay na-stranded matapos dumanas ng komplikasyon sa panganganak ang naturang balyena.