-- Advertisements --
CAGAYAN DE ORO CITY – Nakabalik na sa kanilang mga tahanan sa Bukidnon ang nasa mahigit 50 na mga Indigenous People (IP) matapos umanong mabiktima ng human trafficking sa Pangasinan.
Sinabi ni Police Major Micheal Olaivar, spokesperson ng Police Regional Office Region 10 (PRO-10) na nirecruit ang naturang mga IPs para sa sana mamasukan sa isang bangus farm sa Pangasinan ngunit pagdating nila sa lugar ay ibang trabaho ang ibinigay sa kanila.
Dahil dito, nagpasaklolo ang isang tribal leader upang makabalik sa Mindanao.
Agad naman na isinagawa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at PNP ang pag-rescue sa mga biktima.
Binigyan na ng DSWD ang mga lumad ng tig P6,500 na pinasyal na tulong.