Iniulat ng Department of Education (DepEd) ang pagbaba ng mahigit limang milyon sa bilang ng mga enrollees para sa school year 2023-2024 mula noong nakaraang taon.
Sinabi ng DepEd na mayroong 24,324,111 enrollees ang naitala para sa mga pampubliko at pribadong paaralan, state universities at kolehiyo, gayundin sa mga lokal na unibersidad at kolehiyo, kabilang ang mga paaralan sa Pilipinas sa ibayong dagat.
Sa school year 2023-2024, nakapagtala ang DepEd ng 28,035,042 enrollees.
Karamihan sa mga mag-aaral ay mula sa Calabarzon (Rehiyon IV-A) na may 3,488,180 mag-aaral.
Ang Central Luzon ay pumapangalawa sa ranggo na may 2,626,684 na enrollees.
Pangatlo ang National Capital Region (Metro Manila) na may 2,497,178 mag-aaral.
Ang may pinaka-kaunting bilang ay mula sa Cordillera Administrative Region na may 355,728 enrollees.
Samantala, mayroon ding 1,541 na naitalang enrollment sa mga paaralan ng Pilipinas sa ibang bansa.
Una na rito, nagsimula ang opisyal na pagbubukas ng mga klase sa buong bansa noong araw ng Martes Agosto 29 ng taong kasalukuyan.